Ewan ko kung bakit ko naisipang gumawa nito. I am also a newbie blogger like gerwin(you could visit him at gerwinjohn.blogspot.com). Hindi naman ako writer, bat pa ako gumawa nito? Gusto ko lang namang kumita para pantustos ng pag-aaral ko sa college. Bakit ako napadpad dito?

Monday, December 17, 2007

Ms.Minchin

Dear Mr.Brightside,

Magandang gabi sa iyo. Napag-alaman kong nagbukas po kayo ng blog mula sa kaibigan kong, itago na lang natin sa pangaln na "Agi". Ako po ay sumulat dahil ako po ay may problemang di ko mahanapan ng "Brighter Side". Meron po kasi akong guro na ittago natin sa pangalang 'Ms.Minchin'. Magaling po siyang magturo at talagang mataas po ang tingin ko sa kanya. Ngunit nito pong mga nakaraang araw ay napapansin kong merong mali sa kanya. Minsan ay tumitigil na lamang siyang bigla sa klase na parang 'naghang' na computer at bigla na lang iiling kapag magrerecover na. Noon ay naghinala ako ngunit di ko muna pinasin ang aking kutob. Subalit habang tumatagal ay lalong pog lumalakas ang aking paniniwalang siya nga ay isang robot. Napakabilis po kasi niyang mag-check ng test papers. Wala pong isang araw ay natatapos niya itong lahat at narerecord pa niya ang partial grades ng bawat isa sa amin. Napansin ko rin na mas madali ang first sem kesa ngayon. Sa tingin ko po ay pinalitan ng bagong model ang aming dating "guro" dahil mas madalas rin itong 'mag-lag' dati. Ito marahil ang dahilan kung bakit humirap ang aming mga lessons. Okey lang naman sana sa akin ngunit sa palagay ko po ay sira ang 'hearing module' ng bagong Ms.Minchin. Huli na siyang mag-react sa aming mga tanong. Mas mapapansin rin po ngayon ang kanyang pagka-robot dahil hindi gumagalaw ang isa niyang kamay habang ginagamit niya nag kabila. Mas coordinated na rin siyang maglakad ngayon. Mas magaling na siya kesa kay "ASIMO". Hindi naman sa may galit ako sa mga robot ngunit ayoko lang ng idea na pinagkakaisahan kami ng aming university. Kung gusto nilang robot ang magturo sa amin sana ay yung dating model na lamang.

Nagmamahal,
Sarah Crewe
The "Brighter Side":

Una sa lahat Sarah, nais kitang purihin dahil sa pagtago mo sa pangalan ng kaibigan mong si "Agi". Sigurado akong dahil sa ginawa mo ay ligtas na nakatago ang kanyang katauhan mula sa publiko. Wala naman akong nakikitang masama kung robot ang teacher mo. Iniisip lang ng school niyo ang inyong kapakanan. O at least sure ka na laging updated ang lessons niyo dahil internet ang direct source ng ganyang mga robot. Sa issue naman ng 'paghahang', hindi naman natatagalan ang pagrestart niyan diba. At least makakakopya ka ng notes habang nagrerecover siya. Sa nakikita ko, hi-tech naman yang si Ms.Minchin. Maganda yun dahil kung bored ka na, isaksak mo lang ang earphones mo sa kanya. Sigurado akong mas magaling pa siya kesa sa mp4. Mas maganda kung speakers ang isasaksak mo para marinig ng buong klase. Tungkol naman sa opinyon mong bagong model siya ay hindi ako sang-ayon jan. Kung lessons ang basis mo eh talagang mas madali ang previous sem kesa ngayon, ganun talaga yun. Mas madalas lang siyang 'mag-lag' dati dahil, sa nakikita ko, nagyu-youtube ang ibang teachers gamit si Ms.Minchin at nakakalimutan nila itong isara. I-check mo rin kung may mga taechers kang nag-rf dahil isa ito sa posibleng dahilan ng kanyang pag 'lag'. Simple lang din ang explenation ko sa mas coordinated niyang leg movements. Upgraded na ang kanyang mga leg joints. Sana ay naliwanaga ko ang madilim mong pag-iisip Miss Sarah. Maraming salamat sa iyong problema.

Kung meron kayong problemang di niyo makitaan ng "Brighter Side", puwede niyo itong isulat sa comments sa may ibaba ng entry at hahanapan natin ng kaliwanagan ang inyong utak na madilim, magulo at ewan.

Sunday, December 16, 2007

Unsa? Ano? What?

This blog is designed to rack your values. Why? Coz dito sa blog na to, lahat happy ending. walang emo, bitter or kahit anong ka-echosan ng eklavu. Puwedeng manlibak, mang-asar at mambisto huwag lang ang author at si Kim Chiu(BIG NO NO). Anyway, back to racking your values. Pano? Tulad ng sinabi ko, lahat happy ending. Ewan lang kung pano basta happy, at least yung reader, di ko lang alam sa character ng stories. This blog is designed for everyone na nagugugluhan sa life and the likes. Well, kahit yung di naguguluhan basta naghahanap ng anything na walang content, "an empty life can be filled by empty boxes of contentment". I disregard niyo na lang yung quote kasi gawa gawa ko lang yun. Wala yung basis. Come to think of it masaya rin itong blogging. Another venue to showcase whatever there is to display. Pagpasensiyahan niyo na lang kung nag-i-english ako, baka kasi di mabenta ang blog ko eh; but Im not doing this for money, honestly. Pramis!!! Ok fine maybe I do need money but wouldnt it be fun to share what you have learned? Last thing, I mean when I said bawal libakin si Kim Chiu. To end this, let me start by saying, "Welcome to the Brighter Side".